Biyernes, Enero 27, 2012

Talambuhay KO :))

Ako si Jasmine Magallanes Honorio, Labing limang taong gulang at kasalukuyang nag aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Paharang sa Antas na Apat. Nakatira ako sa Paharang East Batangas City. Ang mga magulang ko ay sina Lilian Honorio at Gabriel M Honorio. Nagsimula ang buhay ko noong  Ipinanganak ako sa Makati City noong Hunyo 9, 1996, ngunit hindi pala magiging maganda ang kapalaran ko sa piling nang aking tunay na mga magulang. Napagdesesyunan ng mga magulang ko na ipamigay ako sa kapatid ng lola kong si Adela Honorio sa kapatid niyang si Lolita Villena sa kadahilanang hirap daw kase sila sa buhay. Pito kameng magkakapatid  at bunso ako kaya't hindi nga maipagkakailang maari silang mahirapan. Ngunit yan ang hindi ko maintindihan sapagkat bakit kung sino pa ang bunso ay siya pang dapat nilang ipamigay. Pumayag ang Pamilyang Villena na kuhanin ako ngunit hindi ko alam kung bakit sila pumayag na kunin ako, siguro dahil para matulungan nila ang pamilya ko. Heto ang buhay ko, sanggol na ako ng nasa Batangas ako.Bata pa lamang ang isip ko kung kaya't wala pa akong sapat na kaisipan upang magkuro ng mga bagay na nangyayare sa aking paligid. Umikot ng Umikot ang buhay ko hanggang sa nag-aaral na ako, Kinder ako noong natatandaan kong si Melchor Honorio(tumayong ama-amahan ko) ang sumusundo sa akin sa eskwelahan na dapat ang gumagawa ay ang tunay kong ama. Wala akong balita sa aking Ina at Ama, ang tanging naalala ko lang ay dinadalaw nila ako kapag Fiesta o kaya'y kapag may mahalagang dapat gawin rito. Sa musmos kong kaisipan ay hindi ko naiisip ang mga tunay kung magulang. Namulat na lamang ako na ipinimigay nila ako dahil sa karaniwang dahilan ng mga magulag na hirap sa buhay. Umakyat na ang aking antas sa pagiging Grade 1 hanggang sa maging Grade 3, walong taon ako nito noong nabalitaan ko ang isang di inaasahang pangyayare, nabalitaan ko nalang na pumanaw na ang aking ina, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko noon kung magiging masaya ba ako o malungkot. kapag may kaso ako sa eskwelahan ay hindi nakakarating ang aking ama. Hbang ako ay tumatanda at nabubuo ang aking kaisipan ay nabubuo narin sa aking isip na ulila ako at walang ina at ama na dapat sila ang umaakay sa akin sa tuwid na landas ng aking buhay. Dumadaan ang mga gabing walang Ina'ng hahaplos sa aking buhok upang ako ay patulugin, bukod tanging luha at ungol nang iyak ang dumadalaww sa gabing madilim, Dinadaan ko nalang ang lahat sa iyak, halos gabi gabi, nakasanayan ko na iyon. Hindi ko nakita ang aking Ina sa kahit anong larawan o sa kahit personal na tingin. Ang kwento nila sa akin ay maganda raw ito at mukang artista, nagagalak ako sapagkat sinasabe ng mga nagkwekwento sa akin na magkahawig kame, hindi ko malamn ang dahilan ng kanyag pagkamatay, sabe nila sa akin ay gumagamit daw kase ang nanay ko ng letseng DROGA na yan. Nakakainis isipin kase nawala ang ina ko at sa katunayan, hindi ako masaya sa tinitirahan ko, ginugulpi nila ako kapag may kasalanan ako, hampas duon, sampal dito, sabunot duon, tadyak dito,at wag wag ulo sabay kurit dito, matigas raw kase ulo ko.. Ayun hanggang sa lumaki ako, naibibigay naman ng tumatayong magulang ko ang mga pangangailangan ko, ang pagkakaintindi ko lang, ang kabayaran nito ay ang paninilbihan ko sa kanila, naglilinis ako ng bahay sa umaga. Noong natuto akong maghugas ng Pinggan ay ako narin ang gumagawa nito, kulang nalang paglabahin nila ako at pag plantsahin, pero naiintindihan ko naman yun at nagpapasalamat ako at nakakapag aral ako. Nasa elementarya pa lamang ako ngunit parang naranasan ko na yata ang bigat ng buhay dito sa mundo, sa tuwing darating ang nalalapit na pasukan ay nagbabadya nanaman na gusto na nila akong pauwiin sa maynila ngunit lage nalang akong umaasa, dahil sa pangungulila ko sa ina, pati sa teacher, hinahanap ko ang pagmamahal na hindi ko nararanasan, minsan nga, nasasabihan ako ng mga kaklase ko na sip-sip raw ako, pero hindi naman.. malapit talaga ako sa guro, hanggang sa mag grade 6 ako lahat ng teachers kasundo ko, hanggang dumating sa puntong nawala ang tiwala nila sa akin nang minsang napagbintangan akong nagnakaw nang pera nang kantina namin dahil nga sa malapit ako sa guro. duon nagsimula ang mga masasakit na naririnig ko, na magnanakaw ako na magnanakaw ako, hanggang sa bahay namin, nagagawa narin akong pagbintangan na nagnakaw ng pera nila kaya humantong ito sa isnag parusa, tinatali ako sa bintana dahil sa kasalanang hindi ko ginawa, pero unti unti naman nag babago ang aspetong pamamaraan na ito habang ako  ay lumalaki, graduation namin nang dumating ang aking ama upang ihatid ako sa stage at nuon ko lamang bukod tanging nasabi sa kanaya na mahal ko siya, naiiyak na ako sa part na iyon, hanggang sa muling bumalik ang dati kong buhay, high school na ako, ganun parin ang buhay aral, bahay, aral bahay.. Naging malapit parin ako sa aking teacher kahit high school na ako, naging aktibo ako sa mga alituntuning nagaganap sa aming paaralan, sumasali ako sa mga club club ng bawat subject pero dahil sa baguhan palamang ako sa campus ay hindi ako makasabay sa pupolar na tao, laging talo. Pero dito ko naranansan ang totoong saya nang buhay, sabe nga nila, high school ang pinakamasayang part ng pag aaral, at napatunayan ko iyon. hanggang sa dumating ang time na nagiging honor na ako, tapos mawawala nalang dahil sa isang problema. Teacher lang ang tanging takbuhan ko, sa kanila ko lang nasasabe ang mga problema ko sa buhay at isa  na rito ang problema ko sa pamilyang kumopkop sa akin. Lage nalang mali ang nakikita nila sa akin, hnd raw ako marunong makinig at wala daw pag asa sa akin, demonya raw ako at halos minumura nila ako yung as in P******** mo.. Halos yan nalang ang tanging naririnig ko kapag pinapagalitan nila ako, nasanay na naman ako, dinadaan ko na lamang ito sa iyak, iyak at iyak.. Dito lang naman ako magaling. Hanggang sa maging dalaga na ako, 14 taong gulang ako nang ako ay magdalaga at natutong umibig, pero naging sawi parin,puppy love ika ba. Sa mga kapatid ko naman ay hindi ko sila masyadong kasundo lalo na sa panganay namin babae, perpekto ang tingin ng aking tunay na ama sa kanya, nasiinggit ako sa kanay sa tuwing dadalaw siya rito sa batangas, pakiramdam ko, siya lang ang mahal ng daddy ko.. naiinis ako sa kanya sa tuwing pinapagalitan niya ako at sinesermunan, hindi kase niya nararamdaman kung paano mapagalitan at maapak-apakan, pero hindi ko naman masasabing naapi ako. Salamat narin kay LORD kase hnd niya ako pinababayaan. Nasasanay narin ako sa buhay, mahirap at maraming pagsubok pero nagiging matatag naman kapag nalalagpasan. Dumating na ako sa ganap na pag iisip, natututo na akong mainlove at magmahal, isang araw nasa antas tatlo ako nang high school nang may maganap na leadership training ng RED CROSS sa aming paaralan, naging mapag isip ako na subukan ito, at dahil narin kakonekta ito ang pangarap kong maging NURSE, bata pa lamang ako pangarap ko na ito, hnd ko alam kung bakit. September 17 2010 Nagsimula ang training na ito sa magandang pamamaraan, duon ko nakilala ang taong mamahalin ko. Nagsimula ang kwneto namin sa Isang PARDIBLE para sa pangalan na ikakabit sa name tag. humingi ako sa kanya nang pardible pero hindi ko alam na magiging magkasundo kame. habang nagtratraining ay hindi ko siya napapansin at hindi niya ako pinapansin, napapansin lang namin ang isat-isa kapag may lecture siya, isang tanong na tinanong niya sa amin lahat na estudyanteng kalahok, bibigayan niya raw ng tsokolate ang makaaksagot, pero hnd ko inaasahang masasagot koito, may isa siyang slaita at binigay niya ito nang matapos na ang lecture na sa amin. Kinabukasan, bagong umaga nanaman at lecture ulit, pero hindi parin namin pinapansin ang isat isa kasee hindi nga magkakilala. Nang magtanghali na, bigla siyang umalis dahil hindi ko alam. Bigla akong nalungkot pero hnd ko alam kung bakit. Nang matapos na ang masaya at nakakapagod na araw, naisipan kong hanapin ang Facebook nang taong ito  para narin sa communication pero para makipagkaibigan lamang, at nagtagumpay ako, nakita ko ang facebook niya, sinubukan kong kuhanin ang kanyang cp number at nakuha ko nga ito, sinubukan ko ulit siyang itext at nag reply naman ito, hanggang sa magkapalagayan na kame nang loob pero bukod tanging pagiging magkaibigan lamang ang pakay namin, hanggang sa umabot na sa magdamagang mag katext kwentuhan ng love life, at dahil nga sa nasa weakest point kame ng buhay pag-ibig, nagawa niyang ikwento sa akin ang lahat tungkol sa kanyang buhay, malambing akong tao, kahit kanino nag sasabi ako ng i love you, pero hindi ko inaasahang masasabe ko ito sa kanya, hanggang sa hindi ko alam nahuhulog na ako sa kanya pero hindi ko sa kanya sinasabe dahil alam kong bawala maging kame at nahihiya ako. Pero  naiinlove narin pala siya saken.. Alam ko at ramdam na ramdamko ito, sa mga pagllambing niya at pagmamahal niya, at sa pagiging mabait niya sa aken. Nahulog na talaga ako ng sobra hanggang sa umabot na sa sukdulan ang nararamdaman ko sa kanay.. sobra ko na siyang minamahal, halos gusto ko araw araw ko na siyang nakikita, siya lang ang bukod tanging taong nakakaintindi, tinanggap niya ako ng buong buo.Naging kame pero biruan lamang iyon, dahil hindi ako umaamin sa kanya na amahl ko rin siya, OCTOBER non, then umabot na ng February bago ko nasabe sa kanya na mahal ko talaga nang sobra.. kaya eto, masaya ako ngayon sa relasyon namin, masaya kameng pareho at isang taon at mag aapat na buwan na, tanggap na kame ng parents ko at inaasahang matatanggap rin ng parents niya kapag nalaman na nilang lahat. Sobrang mahal ko tong taong to, hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko, siya lang talaga ang buhay ko at gustoko siyang makasama habang buhay, alam kong imposible eto pero gagawin ko lahat wag lang siyang mawala saken, mahal na mahal ko siya, kaya nag papasalamat ako ng sobra kay LORD kase binigay niya ang mahal ko sa akin. Sana magtagal pa kame, at sana wag kameng magkahiwalay. ayun ang kwentong kakiligan. patulloy parin ang buhay ko, graduating na ako, pero gusto ko nang mag college para mapatunayan ko na ang sarili ko sa mga taong walang tiwala saken, salmat naman sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko, sa ama ko naman, sana maging magkasundo sana kame at maging ok na. sana matanggap niya ang isang ako, sa mga tao namang umaasa at aasa saken lalo na sa mahal ko, pipilitin kong maging matagumpay para sa future ko at future ng aking mahal. Patuloy lang ang buhay, ganun parin, tuloy tuloy lang ang buhay, sana maging masya at maganda parin ang buhay ko, inspirasyon ko ang mahal ko sa pag aaral ko.at yun lamang ang buhay


to be continued until life goes by...truestory@blogger.com

1 komento:

  1. Best eCOGRA Sportsbook Review & Welcome Bonus 2021 - CA
    Looking for an filmfileeurope.com eCOGRA Sportsbook ventureberg.com/ Bonus? At this eCOGRA Sportsbook review, we're talking https://deccasino.com/review/merit-casino/ about งานออนไลน์ a variety of ECCOGRA sportsbook https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ promotions.

    TumugonBurahin